jump to navigation

Isang sulat ng disappointment para sa isang pariwarang bata January 26, 2013

Posted by Arvin in Personal.
Tags: , , , , , , , ,
trackback

Bata,

Nanghihinayang ako sa iyo. Pinagkamali mo (at inakala) ang pangangaral ko sa iyo, bilang pagmamatigas ng isang taong hindi marunong umintindi at gumalang sa desisyon ng iba. Maraming aral ang hindi mo nakuha nang dahil sa pagmamatigas mo sa isang napakasimple kong hiling – ang iluto sa isang masarap na recipe ang cucumber at labanos. In English, it is very unfortunate that you missed all the possible learnings you could have learned out of this situation

  1. Pagiging grateful sa Diyos – ang lahat ng pagkaing nakakain ay ginawa ng Diyos, at ginawa niya itong mabuti at beneficial sa tao. Ang pagkain ay maaring gawin at ihanda sa iba’t ibang paraan at pagkaluto. Sa tama at matalinong pagluluto, maari mong magamit at makuha ang lahat ng nutrisyong maaari mong makuha sa ganoong uri ng pagkain.
  2. Pagiging creative – ito ang pagkakataon mo na subukang makagawa ng isang ulam, using only the available ingredients na meron sa iyong possession. Nabigyan mo sana ang sarili mo ng pagkakataon na ma-develop ang skill na pagiging “resourceful” – paggawa ng isang napaka-gandang bagay, sa gitna ng mga kulang-kulang, di-kagandahang mga factors—in this case, “sangkap”. Umaasa akong imbes na labanan at pagmatigasan mo ako sa simpleng hiling ko, ay pagbigyan mo ako, sapagkat, after all, pagkain naman ito at talaga naming nakakain—hindi man gusto ng panlasa mo, ay pagkain padin, at dapat pahalagahan at huwag kailanmang hindi-an sa anumang pagkakataon.

Sa buhay ng tao, madalas dumarating ang mga bagay na hindi mo gusto. Minsan, humaharap ka sa sitwasyon, na may involved na mga factors na ayaw ng panlasa mo. Kung noong bata ka pa, ay hindi mo natutunang mag-adjust ng mga expectation, o matutong gumawa ng magandang bagay, mula sa mixture ng factors sa hindi-magandang sitwasyong kinaharap mo. Sa panahong muli mong makaharap ang ganoong sitwasyon sa pagtanda mo, magiging pareho ang reaksyon at response mo, gaya n’ung bata ka pa: reaksyong hindi marunong mag-adjust, magmamatigas at hindi gagawing mabuti, kapaki-pakinabang ang sitwasyon.

  1. Pagiging bukas / open sa mga bagay na hindi pamilyar sa iyo. Pagtanggap sa mga bagong posibilidad. Pagiging sarado ang isip – sa ipinakita mong pagka-disgust sa lasa ng cucumber, kapag hinalo sa ulam, ay pagpapakita ng kung paanong hindi ka marunong tumanggap ng mga bagong posibilidad na pwedeng magbigay benepisyo sa iyo. Ang ganyang uri ng pag-iisip at disposisyon pag humaharap sa iba-ibang sitwasyon, kapag iyong kinasanayan, ay iyong madadala at ma-aaply sa iba’t ibang aspekto ng buhay mo: sa sitwasyong kasing liit man ng pagpili sa pagkain, o pagdedesisyon kapag nasa isang tindahan, hanggang sa mga malalaking sitwasyon, gaya ng pag-aasawa, pag-aaply ng trabaho, o pag-punta sa ibang bansa. Malaki ang tsansa mong ma-miss o malampasan, ang mga magagandang oportunidad, dahil nasanay ang isip mo, na maging sarado sa mga magagandang posibilidad.
  1. Respeto – Dahil sa hindi natin napagkasunduan na gumawa ng isang bago at interesanteng bagay, sa pamamagitan ng pagluluto ng isang masarap na recipe mula sa limited choice of ingredients, umabot tayo sa puntong ipinaglaban mo ang sarili mong kagustuhan, hanggang sa nagsagutan na tayo, at handa kang salagin ang pakiusap ko, na para bang isang torong tinubuan ng malalaking sungay, handing salagin at buwagin ang aking ipinakikiusap, hanggang sa sumuko ako at magpasakop sa kagustuhan mo. Nalampasan at nawala na din ang tsansa mo na matuto kung paano magpasakop at sumunod sa may kapangyarihan, madadala mo ito sa iyong paglaki, at dahil natutunan mo ito sa iyong kabataan, malaki ang posibilidad na maging bulag ka sa tama at mali, at sa iyong pagtanda, magiging madalas ang iyong pakikipagtagisan sa may-kapangyarihan, at hindi mo na makikita kung kalian ka dapat sumunod sa tamang landas. Hindi mo nadin malalaman ang tamang pagkakataon, para i-challenge ang mga may mali sa may kapangyarihan, o kung kailan mainam na manahimik para sa iyong ikabubuti, sapagkat kinasanayan mong lagging sumasalag kapag hindi mo nagustuhan ang isang bagay. Mas malalapit ka sa kapahamakan, dahil sanay kang magmatigas.

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: