jump to navigation

TULA: Silang mga Nakatanghod sa Kanilang mga Durungawan January 19, 2010

Posted by Arvin in Filipino Studies.
Tags: , , , ,
trackback
Kapag tinalukbungan na ng kalangitan
ang liwanag na nag-uumapaw
sa mga bisig ng matayog na araw

Sadya nating nakaliligtaan kung minsan
ang mahigit sa isanlibong kulay
na humahabi sa hibla ng ating mga buhay

Tila bagang abo, putik at dumi
yaong nakadantay sa bawat sulok
na matunton ng paningin sinusubok

Ng nakabibinging katahimikan
Ng tiim na pawid at apat na dingding,
At ng ating nangingiwing damdamin

Dumaratal ang umaga
sa mga nagtitiyagang mag-antay
sa kabila ng bitbit na lumbay

Ang iba nga ay hinahakot na
pati ang mga sako ng pagdurusa
sa balon na kanilang hinukay

Ngunit sadyang may mga taong
hindi nadadaig ng mga malalambing
na haplos ng nag-aayang panaginip

Bagkus ay matiyagang nakatanghod
sa psamano ng kanilang mga bintana,
iniintay ang pagputok ng isang bagong umaga.

Comments»

No comments yet — be the first.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: